Kung Politika Lang ang Pag-ibig: Bakit Pareho Tayong Laging Umaasa?
Bilang kabataan, parang ang hirap ng buhay ‘pag narinig ang salitang "politika." Pero isipin mo, kung titigan natin nang mabuti, baka nga parang love life lang ang politika! At oo, bago ka mag-react, isipin mo muna: lahat tayo umaasa sa pagbabago, naghihintay ng tamang tao, at pagdating ng eleksyon, napapa-“Sana all!” din tayo, diba?
Una sa lahat, ang dami nating pangarap para sa bansa. Parang yung pangarap mo kay crush – alam mong matagal mo na siyang gusto pero ang dami ring gusto sa kanya! Tapos, bawat kandidato nagpapapogi, nagpapakilig, at binobola tayo ng mga matatamis na salita. Naaalala mo ba yung mga beses na sinabihan ka ni crush ng “special ka sa akin”? Ganun din ang mga politiko: espesyal daw tayo sa kanila, pero di mo sigurado kung talagang tayo ang priority.
Kapag panahon ng kampanya, biglang ang daming pa-cute at biglang daming pakulo. Ang daming “promise” – ‘yun bang parang pangako ng taong mahal mo na di naman tinutupad! Akala mo na sa telenovela ka, puro pangakong “Di kita iiwan!” or “Ako ang solusyon sa problema mo!” Naku! Kaya minsan, tayong mga kabataan, kahit gusto nating maniwala, nakakapagod din.
Kapag eleksyon na, parang “Who will win my heart?” moment lang ‘yan. Naghahanap tayo ng “the one” na mamumuno sa ating “forever,” o sige, kahit six years lang muna! Pipili tayo ng kandidatong umaasa tayong hindi tayo iiwan sa ere – hindi ‘yung pagkatapos nating iboto ay maglalahong parang bula. At sa panahon ngayon, mahirap nang maniwala dahil may tinatawag na “ghosting” – sa politika, “ghosting” din pala ang mga plataporma nila!
Pero, sa kabila ng lahat, hindi tayo tumitigil sa pag-asa. Kasi, sa dulo ng lahat ng paasa, may maliit pa rin tayong boses na nagsasabing “May pag-asa pa.” Saka, sabi nga nila, kung ang love life mo umaasa pa sa “right person,” baka sa politika rin, umaasa tayo sa “right leader.” At sino nga ba ang right leader? Ah, ‘yan ang hindi ko masasagot, kasi mahirap humanap ng “the one”!
Sa huli, kahit mahirap at maraming “hugot,” hindi rin natin kayang talikuran ang politika. Para kasing umibig, masakit pero kailangan. Baka sa susunod na eleksyon, magkaroon tayo ng “happily ever after,” pero sa ngayon, maghihintay na lang muna tayo.
Mahusay ang paglalahad, nabigyan mo ng hustisya at koneksyon ang politika sa usaping pag-ibig. Kung saan marami sa mga kabataan ang makakaunawa at mailalarawan ito. Ginamit ng wasto ang mga kataga o hugot na nakaayon rin sa mensaheng nais ipabatid. Ito'y magsisilbing aral sa atin na sa tamang panahon at tamang tao makakamit natin ang kalayaan, pagbabago at saganang lipunan.
ReplyDeleteGusto ko yung napahayag mo ang paghahambing ng politika sa love life na isang nakakatawang paraan upang maunawaan ng mga kabataan ang mga kumplikasyon at pag-asa sa larangan ng pulitika.
ReplyDeleteMaganda at relatable ang sanaysay mo! Ang paggamit mo ng hugot sa love life para ipaliwanag ang politika ay nakaka-engganyo at madaling maintindihan ng kabataan. Naging epektibo ang humor mo para maihatid ang mga frustrations tungkol sa politika nang hindi masyadong mabigat. Dagdagan lang ng kaunting call to action para sa mas malinaw na mensahe, pero overall, mahusay ang pagkakalahad mo!
ReplyDeleteMalinaw at nagustuhan ko ang nilalaman ng iyong blog. Maraming impormasyon ang nakapaloob.
ReplyDeleteMahusay! nagustuhan ko ang blog na ito, napag konek-konek mo ang pagibig at politika
ReplyDeleteSobrang relate ako sa mga sinabi mo. Nakakatuwa yung paggamit mo ng "love life" analogy para i-explain ang politika. Parang mas naiintindihan ko na kung bakit mahirap ang politika at kung bakit tayo naghahanap ng "the one" na mamumuno sa atin.
ReplyDeletemahusay, sobrang nagustuhan ko ang blog na ito dahil tama ang pagkaka-compare ng politika sa love life, parehong puno ng pangako, paasa, at umaasa tayo sa pagbabago kahit mahirap maniwala.
ReplyDeleteNapaka ganda at ayos ng blog na ito
ReplyDelete